Saturday, May 4, 2013

Unreported Iglesia ni Cristo crime


 A picture of an INC 1914's chapel

Source: Supreme Court Records Annotated (SCRA) [G.R. No. L-10951. October 23, 1958.]

Eksenang pagpatay sa pulong pamamahayag!

Gabi ng ika-29 ng Abril taong 1955 ay nagsagawa ng isang public religious service ang samahang "Iglesia ni Cristo" sa poblacion ng San Teodoro, Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga tagapakinig ay ang biktimang si Crisanto Manalo na maliit lamang na lalaki at may paralisadong kamay (sinkol) na hindi nakakahawak ng anumang bagay dahil hindi naititiklop ang kanyang mga daliri. Biktima rin sa insidente si Jose Evangelista na hindi miyembro ng samahang Iglesia ni Cristo at kaibigan ng pumatay na si Gregorio Ramirez.

Ayon sa mga saksi, habang nagsasalita ang ministro ng INC ay may 2 usok na naamoy mula sa nasusunog na bulak. Ito diumano ay nakagugulo sa pagpupulong dahil inubo ang mga nakikinig. Dahil dito ay lumakad si Ramirez upang tingnan kung sino ang may kagagawan nito. Paglapit sa dako ng biktimang si Manalo na siyang paralisado ay inundayan ng makailang ulit na saksak. Sumunod si Evangelista upang pigilan ang suspek dahil sa nakitang kalagayan ng biktima na walang laban sa suspek. Subalit siya naman ang binalingan ng suspek at inundayan siya ng 2 saksak sa dibdib.

Hindi na inalam kung ano ang motibo sa pagpatay sapagkat umamin naman ang suspek na siya ang sumaksak sa biktima. Si Ramirez ay nahatulan ng pagkakakulong sa salang pagpatay at pinagbayad ng P6,000 sa pamilya ng biktima.

Source: Supreme Court Reports Annoted [G.R. No. 116732. April 2, 1997.]

1 kaanib ng Iglesia ni Cristo ang napatunayang nanggahasa ng 1 anim na taong gulang na paslit na pamangkin sa Bacolod City. noong Hunyo 16, 1993. Kinilala ang salarin na si Rene Henson, kapitbahay ng biktimang si Mae Chile Aguilar na anim na taong gulang.

Ayon sa salaysay ng biktima, bandang ika anim ng gabi ng siya ay magtungo sa bahay ng suspek upang magwalis. Matapos walisin ang unang palapag ay isinunod nito ang ikalawang palapag. Sa pagkakataong ito ay nakita siya ng suspek at hinila sa kamay upang dalhin sa kuwarto ng suspek at isagawa ang karumaldumal na pagsasamantala.

Walang kamalaymalay ang suspek na ang kanyang kahayukan ay nasaksihan ng pinsan ng biktima na si Annalyn Aguilar, 10 taong gulang at isang Jesmer Aguilar. Sa nakita, agad na nagsumbong ang dalawa sa lolo nila na nag utos naman sa kanilang tawagin ang kanilang tiyahin na si Myrna Aguilar, ina ng biktima. Agad na isinuplong ni Myrna ang suspek sa pulisya.

Batay sa imbestigasyon ng mediko legal na si Dr. Jose Mari Salvador, ng Department of Surgery of the C.L. Montelibano Memorial Regional Hospital, bagaman hindi tuluyang naipasok ng suspek ang pag aari nito sa biktima ay positibo sa galos at sugat ang kaselanan nito.

Ngunit itinanggi ng suspek ang akusasyon. Ayon sa kanya, umalis siya ng bahay ng araw na yaon bandang hapon ng 5:20 upang magtungo sa kapilya ng INC sa Manalo St. mga 300 metro ang layo mula sa isang church meeting. Aniya, natapos ang pagpupulong ng 7 PM subalit agad siya umuwi kundi nanatili doon bilang security guard hanggang ika apat ng umaga. (4 AM)

Hindi pinaniwalaan ng korte ang testimonya ng salarin. Ayon sa korte, ang diretsahang sagot ng biktima sa tanong at ang pahayag ng pinsan ng biktima ay matibay na ebidensya laban dito. Gayundin, kinilingan ng korte ang pahayag na ina ng biktima na di nito maaaring ilagay sa malaking kahihiyan ang sariling anak dahil maaari itong magkatrauma sa kahihinatnan ng imbestigasyon.

Ayon sa suspek ay napatunayang guilty sa salang panggagahasa sa sarili nitong pamangkin at nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo at pagbabayad ng kaukulang halaga sa pamilya ng biktima.

No comments:

Post a Comment